Thursday, October 11, 2007

Buhay Kolehiyo

Sa una masaya, ibang school, ibang classmate, ibang lugar, ibang tao, ibang guro, ibang classroom, halos lahat iba. Maraming natutunan kasama na ang kalokohan. Nung una ay hindi ko talaga binalak na magaral sa paaralan na 'yon, pero walang magagawa, walang perang pang matrikula sa ibang school. Ang Buhay Kolehiyo ay mahirap pero masaya. Mahirap kapag hindi mo gusto at hindi ka nageenjoy sa course na kinuha mo. Masaya kasi hindi kana tinatratong bata ng iyong mga propesor. Buhay nga naman, walang saysay ang buhay kung walang pinagdadaanang iba. Buhay Kolehiyo ay isang pagsubok na dapat labanan, ito ang magiging daan patungo sa masaganang buhay.

No comments: